Isang lalaking 10-taong-gulang ang nasawi matapos sakmalin ng buwaya sa tabing ilog sa Rizal, Palawan.

Sa ulat ng Super Radyo Palawan sa GMA News "24 Oras," nitong Lunes, kinilala ang biktima na si Antonio Cardejon III.

ADVERTISEMENT

Naliligo umano sa tabing ilog ang biktima kasama ang kaibigan nang biglang umatake ang buwaya na umano'y kulay itim at malaki.

Hinanap ng mga opisyal ng barangay Canipaan ang biktima pero hindi na nila ito nakita.

Tumulong na rin ang Municipal Disaster Risk-Reduction and Management Office sa paghahanap sa biktima. —FRJ, GMA News