Natagpuang palutang-lutang ang bangkay ng isang babae na nalunod umano sa dagat sa Subic, Zambales.

Sa ulat ng “Unang Balita” nitong Martes, kinilala ang biktima na si Leonissa Araman, 33-anyos, ng Barangay Matain.

Natagpuan ang kaniyang katawan sa parte ng Barangay Cawag.

Huling nakita si Araman sa Olongapo City.

Nalunod umano ang biktima bilang sanhi ng kaniyang pagkamatay, ayon sa mga awtoridad.

Walang nakitang foul play sa nangyari, at may waiver na rin ang mga magulang ni Araman na huwag nang ipa-autopsy ang kaniyang mga labi.  — Jamil Santos/VBL, GMA News