Arestado ng mga awtoridad sa San Mateo, Rizal ang dalawang suspek na may kinalaman umano sa ilegal na droga.

Nakilala ang mga suspek na si Diadema Mabasa, isang high-value target, at ang kasama nitong si Betty Mabasa, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Nakumpiska rin ng mga awtoridad ang marked money at hinihinalang ilegal na droga na nagkakahalaga umano ng halos P7 milyon.

Walang pahayag ang mga suspek. —KG, GMA News