Sugatan ang isang lalaki sa Davao City matapos maputukan ng whistle bomb sa kanyang kamay.

Batay sa report ng GMA Regional TV One Mindanao, na iniulat din ng Unang Balita nitong Miyerkoles, naputukan ang kanang kamay ng lalaki noong Sabado ng gabi sa Samal Island.

Agad umano siyang naisinugod sa Southern Philippines Medical Center at nabigyan na siya ng lunas ang nakalabas na ng ospital.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health, 25 na ang biktima ng paputok sa bansa nitong taon. —LBG, GMA Integrated News