Sa halip na malungkot, buhay na buhay dahil maingay, makulay at mala-piyesta ang libing ng isang yumaong fashion designer, bilang kaniyang huling hiling sa Santa Rosa, Laguna.
Sa ulat ni Paul Hernandez ng GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog, mapapanood ang mala-Mardi Gras feels na paghahatid sa huling hantungan ni Richard Barretto, isa ring costume designer.
Hiniling ni Barretto na bawal ang sad sa kaniyang libing.
Abril 25 nang makaranas ng cardiac arrest si Barretto, na ikinagulat ng marami.
Isa si Barretto sa mga tinitingalang designer, costume maker at mentor.
Nakapag-uwi na ng karangalan sa bansa ang ilan sa kaniyang mga obra.
Si Barretto rin ang mismong gumawa ng mga costume para sa parada.
Ang naturang parada ay nagsisilbing pagpupugay at pagbibigay-parangal kay Barretto kaya sa huling sandali, naisip nilang ipaalala sa tao kung saan nakilala ang kanilang “Kuya Koi.” —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
Libing ng fashion designer sa Laguna, ginawang makulay at mala-piyesta
Mayo 9, 2023 6:46pm GMT+08:00
ISINULAT NI: GMA Integrated News
RELATED STORIES
Halos 5K kilo ng tilapia, namatay dahil sa matinding init ng panahon
Pinay student, nakapasa sa limang inaplayan para college scholarship sa abroad
3 patay, 9 sugatan matapos tamaan ng kidlat sa Iloilo
60-anyos na babae, natagpuang patay sa Cavite; umano'y live-in partner, sumuko
Pulis na nag-iimbestiga sa road rage shooting, patay matapos barilin ng kapatid ng unang biktima