Nakahuli ang ilang mga mangingisda sa Masbate City ng higanteng pusit na aabot sa siyam na kilo ang timbang.

Batay sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bicolandia, na inilabas sa Unang Balita nitong Biyernes, nahuli ang pusit malapit sa Tugbungan Port.

ADVERTISEMENT

Ayon sa mga mangingisda, ito raw ang unang beses na nakahuli sila ng ganitong kalaking pusit.

Pinaghati-hatian ng walong mangingisda ang pusit upang gawing ulam.

Panawagan ng mga mangingisda, patuloy na pangalagaan ang dagat upang patuloy itong magbigay ng maraming biyaya. —LBG, GMA Integrated News