Sugatan ang pitong katao, kabilang ang limang trabahador at dalawang anak ng may-ari, matapos sumabog ang isang manukan na ginawang pagawaan ng paputok sa San Simon, Pampanga.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon, na iniulat din sa Balitanghali nitong Huwebes, sinabing narinig pa sa kalapit na bayan ang pagsabog na nangyari sa Barangay Concepcion, ayon sa mga awtoridad.
Sa kanilang pagresponde, namataan nilang nasusunog ang ilang kemikal at mga sangkap sa paggawa ng paputok.
Nakita rin ang ilang finished product na nakaimbak sa lugar.
Lumabas sa imbestigasyon na pagawaan pala ng paputok ang lugar, ngunit walang permit o dokumento.
Tumangging magbigay ng pahayag ang may-ari samantalang inaasikaso pa ang mga nasaktan. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
Manukan na ginawang pagawaan ng paputok sa Pampanga, sumabog; 7 sugatan
Mayo 25, 2023 2:31pm GMT+08:00
ISINULAT NI: GMA Integrated News
RELATED STORIES
Kolehiyala sa Tuguegarao na nawawala ng ilang araw, patay na nang matagpuan
1 pulis, 2 suspek, patay sa buy-bust na nauwi sa engkwentro sa Bataan
Nanay na ginagamit umano sa online kalaswaan ang 3 menor de edad na anak, arestado
45 estudyante, nahilo at nagsuka matapos makakain ng maruyang nahaluan ng tawas imbes na asukal
60-anyos na lalaking may kapansanan, patay matapos bugbugin ng ilang Navy officer sa Chile