Nasawi ang isang 15-anyos na estudyante na umakyat ng puno matapos siyang makuryente sa live wire sa Kawayan, Biliran.

Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Martes, sinabi ng kaibigan ng biktima na umakyat sila sa puno ng mangga nang bigla na lang nahulog ang biktima at tumama ang ulo sa lupa.

Nakitaan ang biktima ng paso sa kaliwang kamay at kanang talampakan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na may live wire sa mga sanga ng puno.

Samantala sa Isabel, Leyte, dalawang sakay ng isang bangka ang nasawi matapos silang tamaan ng kidlat.

Kuwento ng nag-iisang nakaligtas, ang kaniyang mister at isa nilang kasama ang nasawi sa tama ng kidlat. --Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News