Arestado ang apat na lalaki matapos umanong nakawin ang isang kalderong adobo sa isang karinderya sa Bagabag, Nueva Vizcaya, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang pagdating ng apat na lalaking sakay ng dalawang motorsiklo.

ADVERTISEMENT

Maya-maya ay lumapit sa karinderya ang isa sa apat na lalaki at mabilis na tinangay ang isang kaldero.

Hawak na ng Bagabag Police ang apat at sinampahan na ng reklamong theft.

Ayon sa pulisya, menor de edad ang tatlo sa apat na suspek.

Hindi nagbigay ng pahayag ang apat. —KBK, GMA Integrated News