Isang lalaki ang inaresto matapos batuhin ang isang bus sa loob ng EDSA bus carousel sa bahagi ng Taft Avenue, Pasay City.
Ayon sa ulat ni Christian Maño sa dzBB noong Linggo, lasing daw ang suspek ng bigla na lang nitong batuhin ang bus habang naglalakad.
Hinabol at nahuli ang suspek ng isa sa mga pasahero ng bus na kawani ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation.
Dinala ang suspek sa Libertad Police Substation 3 at mahaharap siya sa kasong malicious mischief.
Ligtas naman ang 52 na pasahero ng bus, habang basag ang salamin na natamaan sa pambabato ng suspect.—Jiselle Anne Casucian/RF, GMA Integrated News
Lalaki, arestado matapos batuhin ang isang bus sa EDSA bus carousel
Abril 14, 2024 6:10pm GMT+08:00
ISINULAT NI: GMA Integrated News
RELATED STORIES
Mga residente at turista, nagkagulo sa mga naglipanang isdang turay sa beach resort sa CamSur
Jeepney driver, huli dahil sa kaskaserong pagmamaneho nang lasing sa Camarines Sur
Tricycle driver, patay nang bumangga sa motorsiklo matapos masagi ng SUV sa Pangasinan
Ysabel Ortega, stunning beauty sa kaniyang glam na 1x1 ID pic
Lalaki, huli sa pangmomolestiya umano sa anak ng dating partner na tumagal ng 5 taon