Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Rosario, Cavite.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras Weekend" nitong Linggo, sinabing inutusan lang ang 22-anyos na biktima na bumili ng gamot.

Sinabi ng pinsan ng biktima, na nagulat na lang sila nang mabalitaan nila na binaril na ito sa katabing barangay.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga nakatakas na salarin. --FRJ, GMA Integrated News