Tatlo ang nasawi, at dalawa ang sugatan sa salpukan ng isang truck na may kargang mga tubo, at isang pampasaherong van sa Pangantucan, Bukidnon. Ang ilang biktima, nahulog pa sa sapa mula sa tulay.
Sa ulat ni Cyril Chaves sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Biyernes, sinabing lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na nawalan ng preno ang truck at bumangga sa van.
Nasawi ang driver ng van, at dalawa niyang pasahero. Sugatan naman at dinala sa ospital ang driver ng truck at ang pahinante.
“Ang vehicle 1 ang van, padulong to siya sa Barandias gikan sa Maramag in a moderate speed, pasaka ni siya, pero pag-abot sa place of incident, ang vehicle 2, ang truck nga naa’y karga nga tubo, accordingly, ingon pa sa helper, nga nawad-an kuno og brake,” ayon kay Pangantucan Municipal Police Station Chief, Captain Christopher Tuzara Jr.
Sa lakas ng pagbangga, tumilapon malapit sa gilid ng tulay ang van kaya nahulog sa sapa na may mga bato ang ilang biktima.
“So kaning driver, tungod kay slope man kato nga portion, didto niya gikabig, gi-encroach niya sa dalan sa van kay kung didto siya dapit sa iyang linya, musirit ang iyang sakyanan, pakilid naman gud to didto,” ayon pa kay Tuzara.
Mahaharap ang driver ng truck driver sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide. -- FRJ, GMA Integrated News
