Nasawi ang isang pahinante matapos siyang magulungan ng kanilang truck habang natutulog sa ilalim ng sasakyan sa Dumaguete City.
Ayon sa ulat ng GTV News “State of the Nation” nitong Huwebes, natutulog sa ilalim ng truck ang pahinante at hindi nagising sa labis na pagod sa biyahe nang paandarin ng driver ang sasakyan para iparada.
Hindi umano alam ng driver na may tao sa ilalim ng truck nang paandarin niya ito.
Sumuko naman sa mga awtoridad ang driver ng truck. – FRJ GMA Integrated News
