Nasapul sa CCTV ang pagtangay ng isang lalaki sa cellphone ng isang batang lalaki sa Carmen, Cotabato.

Sa ulat ni Rgil Relator ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Miyerkoles, mapanonood ang paglapit ng suspek sa isang biktima na nakaupo noon sa labas ng isang tindahan.

Ilang saglit lang, agad nang inagaw ng lalaki ang cellphone ng bata, bago nagmadaling umangkas sa motorsiklong minamaneho ng kaniyang kasabwat at tumakas.

Humingi ng saklolo ang bata sa kaniyang mga kamag-anak, ngunit hindi na nila nahabol ang mga suspek.

Nai-report na sa Carmen Police ang insidente. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News