Isang kilalang kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang itinalaga ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. bilang bagong pinuno ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon sa Malacañang, nakikita ni Pangulong Marcos Jr. na mapagkakatiwalaan si Atty. Melvin Matibag, at may kakayahang maglingkod sa gobyerno kaya inilagay sa naturang puwesto.

Taong 2023, nang magbitiw si Matibag bilang Secretary General of the PDP-Laban, ang political party na pinamunuan ni Duterte.

Nang panahong iyon, hindi tinukoy ni Matibag ang dahilan ng kaniyang pagbibitiw ngunit nagpahayag siya ng pasasalamat sa tiwalang ipinagkaloob sa kaniya.

Matatandaan din na nagsilbi si Matibag bilang Cabinet Secretary noong termino ni Duterte, at pumalit kay Karlo Nograles, na itinalaga bilang tagapangulo ng Civil Service Commission.

Some of Matibag's previous assignments were with the Manila International Airport Authority as the general manager and National Transmission Corporation as its president.

Ang ilan pa sa mga nakaraang puwesto ni Matibag ay ang pagiging general manager ng Manila International Airport Authority, at presidente ng National Transmission Corporation.

Nagsilbi rin si Matibag bilang legal instructor sa ilang unibersidad sa Pilipinas.

Si Matibag ay asawa ni Laguna Representative Ma. Rene Ann Lourdes Matibag. — Anna Felicia Bajo GMA Integrated News