Hiwalay na sa katawan ang ulo ng isang lola sa Dumanjug, Cebu nang matagpuan siya ng mga kaanak.

Sa ulat ni Fe Marie Dumaboc ng GMA Regional TV sa ulat sa 24 Oras Weekend, natagpuan ng pamangkin at ng apo ng 83-taong gulang na babae ang kanyang naaagnas na bangkay sa kanyang bahay kung saan siya mag-isang nanirahan.

Ayon sa pulisya, posibleng mahigit dalawang araw nang patay ang lola, at atake sa puso ang sanhi ng pagkamatay.

"Para siyang nadapa roon. Tapos 'yung ulo niya naka-hang sa hagdanan, so dahan-dahang nag-decompose. Ang nakikita namin, ang aso ni Nanay siguro ang m ay gawa, kaya nahulog ang ulo ni Nanay, dahil decomposed na siya," ani Police Captain Eden Rex Baguio, ang hepe ng Dumanjug police.

Sa imbestigasyon, wala umanong nakitang sugat sa katawan ng ginang. Hindi rin siya nawalan ng pera at alahas. Nailibing na siya noong Sabado. — BM, GMA Integrated News