Nasawi ang tatlong suspek sa pagnanakaw umano ng motorsiklo matapos na manlaban sa mga pulis na tumugis sa kanila sa isang hot pursuit operation sa Midsayap, Cotabato.
Sa ulat ni Efren Yunting Mamac sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Biyernes, sinabi ng mga awtoridad na hinirang ang mga suspek sa isang checkpoint sa Libungan pero nagpaputok ang mga ito ng baril.
Nagpatuloy sa pagtakas ang mga suspek patungong Midsayap at patuloy silang hinabol ng mga pulis hanggang sa masukol sa Barangay Sadaan nang sumemplang ang mga ito.
Pero sa halip na sumuko, nagpaputok pa rin umano ng baril ang mga suspek kaya gumanti na rin ng putok ang mga awtoridad at tinamaan ang tatlo.
Dinala pa sa ospital ang mga suspek na pero idineklara silang dead on arrival.
Ayon kay Midsayap Municipal Police Station Chief, Lieutenant Colonel Arniel Melocotones, sangkot ang mga suspek sa pagnanakaw ng mga motorsiklo sa Midsayap at Libungan.
Sa tatlo, isa pa lang ang natukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilan.-- FRJ, GMA Integrated News