Nasawi sa pamamaril ng riding-in-tandem ang isang dating kagawad ng barangay sa Candiis sa Badian, Cebu.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing dumating sa lugar ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo at binaril ng isa sa kanila ang biktima.

Kabilang sa mga tinitingnang motibo ng pulisya sa krimen ang personal na galit, pati na ang pagiging barangay coordinator ng biktima na sumusuporta sa isang tumatakbong kandidato sa bayan.

Patuloy na inaalam kung may CCTV sa lugar na posibleng makatulong sa imbestigasyon at pagtugis sa mga suspek.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News