Makaraan ang matinding init, biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya nagsiksikan sa hallway ang ilang nakapilang botante sa Dasmariñas, Cavite.Sa ulat ni John Consulta ng GMA Integrated News, makikita ang malakas na buhos ng ulan sa Santa Cruz Elementary School. Ang ibang nakaboto na, hindi rin agad nakauwi.Kaya naman ang ilang botante na nais pumasok, nahaharang dahil sa dami ng tao. Mayroon iba na sinusuong pa rin ang matinding buhos ng ulan.May mahigit 30,000 registered voters sa Dasmariñas, Cavite, na siyang pinakamalaking bilang ng registered voters sa probinsya ng Cavite, na may kabuang bilang ng registered voters na 2.4 milyon. -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News