Bangkay na nang matagpuan sa kanal ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng sariling ama sa Oton, Iloilo.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing nakita ang bangkay ng biktima sa isang kanal sa Barangay Santa Rita.
Sinabi ng pulisya na umamin ang suspek sa kaniyang mga kaanak na siya ang pumaslang sa kaniyang anak.
Dinakip ng mga awtoridad ang suspek, na tumangging magbigay ng pahayag.
Gayunman, hindi na siya sasampahan ng reklamo ng kanilang mga kaanak. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
