Ilang motorsiklo ang tinangay ng rumaragasang tubig noong araw ng eleksyon dulot ng malakas na ulan sa Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal.
Sa ulat ng GTV news Balitanghali nitong Miyerkoles, inilahad ng kumuha ng video na nakaparada sa harap ng Rodriguez Heights Elementary School ang mga inanod na motorsiklo.
Sinabi ng PAGASA na thunderstorm ang sanhi ng biglang pagbuhos ng ulan sa lugar noong Lunes.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News
