Nasawi ang isang 18-anyos na lalaki matapos siyang saksakin sa gitna ng isang rambol ng mga kabataan sa Bacolod City.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Huwebes, sinabing sinaksak ang biktima noong Martes nang magkagulo ang dalawang grupo ng kabataan.
Mga nakainom umano ang sangkot sa rambol.
Batay sa pamilya ng biktima, niyaya lamang siya noon ng mga kaibigan na mamasyal.
Patuloy ang pagtugis sa suspek na mahaharap sa reklamong homicide. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
