Apat na miyembro ng isang pamilya ang nasawi matapos masunog ang kanilang bahay sa Malolos, Bulacan nitong Miyerkules ng madaling araw.
Sa ulat ng GMA News “Saksi,” sinabing nasawi ang mag-asawa at dalawa nilang anak. Nakaligtas pero nagtamo rin ng sugat isa pa nilang anak na 15-anyos.
Ayon sa chief investigator ng Malolos Fire Station, naganap ang sunog dakong 4:00 a.m. at tumagal lang ng 30 minuto bago tuluyang naapula ang apoy.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog. --FRJ, GMA Integrated News
