Isang negosyante ang binaril at napatay habang sakay ng kaniyang motorsiklo sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa GTV News Balitanghali nitong Huwebes, sinabing base sa imbestigasyon ng pulisya, papuntang Cotabato City ang biktima nang mangyari ang krimen.

Ayon sa mga residente sa lugar, may nadinig silang isang putok ng baril bago nakita ang biktima na nakahandusay sa gilid ng kalsada.

Isang tama ng bala sa ulo ang tinamo ng biktima na may- ari ng isang lechonan sa Cotabato city

Inaalam pa ng pulisya ag motibo sa krimen at kung sino ang salarin. -- FRJ, GMA Integrated News