Narinig ang pagharurot ng mahigit sa 10 motorsiklo sa isa umanong ilegal na drag race sa Santa Barbara, Iloilo.Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Martes, mapanonood ang video ng isinagawang drag racing umano na kuha ng isang tanod sa Barangay Bolong Oeste.Ilang ulit na umanong nangyari ang insidente at umaabot pa sa 20 motorsiklo minsan ang nasasangkot.Sinabi ng punong barangay na posibleng may pustahan ang mga sangkot sa drag race.Inamin naman ng Santa Barbara Police na may kakulangan sa kanilang mga tauhan para matutukan ang sitwasyon.Nagmungkahi ang pulisya sa lokal na pamahalaan na magtatag ng task force na tututok sa problema. -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News