Isang lalaki ang patay habang tatlo ang sugatan matapos araruhin ng pickup truck ang isang waiting shed sa Macalelon, Quezon.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Huwebes, sinabing nasa waiting shed ng mga oras na iyon ang mga biktima nang mangyari ang insidente.

Ligtas naman ang mga sakay ng pickup na dumiretso sa bangin.

Ayon sa pulisya, inaantok ang driver bago sumalpok sa waiting shed.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang driver. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News