Bangkay na nang matagpuan ang isang bagong silang na sanggol sa isang irrigation canal sa Barangay Katangawan, General Santos City.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Martes, inilahad ng pulisya na base sa imbestigasyon ng SOCO, limang oras nang nakababad sa tubig ang bangkay nang makita ito ng isang residente.
Agad na inasikaso ng barangay ang pagpapalibing sa sanggol.
Patuloy ang paghanap ng mga awtoridad sa nanay ng sanggol, na maaaring maharap sa reklamong infanticide. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
