Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki dahil sa panghahalay umano sa menor de edad na anak ng kaniyang live-in partner sa Maragondon, Cavite.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Martes, sinabing nadakip ang suspek sa Barangay Poblacion sa Sual, Pangasinan.
Lumabas sa imbestigasyon na nag-umpisa ang pang-aabuso sa biktima noong Disyembre.
Bukod dito, nagbanta rin ang lalaki sa biktima.
Nagsumbong ang biktima sa kapatid ng suspek Pebrero nitong taon.
Nagtago ang lalaki ng ilang buwan bago tuluyang nahanap ng mga awtoridad.
Batay sa pulisya, dati na ring nabilanggo ang lalaki sa Camarines Norte dahil din sa kasong panghahalay.
Nasa piitan na sa Cavite ang suspek, na itinatanggi ang reklamong sexual assault. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
