Natagpuan ang dalawang bangkay ng lalaki na may mga tama ng bala sa Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao del Sur.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabi ng pulisya na may mga tama ng bala ang mga biktima na may mga suot na maong shorts, jersey at t-shirt na nakita sa Barangay Tulunan.

Kasalukuyang nag-iimbestiga ang mga awtoridad para malaman ang pagkakakilanlan ng mga biktima at ang mga salarin sa likod nito. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News