Nahuli-cam ang isang rider na muntikang matuklaw ng isang cobra na nasa gilid ng kalsada sa Cervantes, Ilocos Sur.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Huwebes, makikita na nakapuwesto ang cobra na handang manuklaw pero nakaiwas ang rider.
Mabilis umanong pinatakbo ng rider ang kaniyang motorsiklo para makalayo sa ahas na mahigit dalawang metro umano ang haba.
Dumirestso naman sa pagtawid ang cobra sa madamong lugar na malapit umano sa mga kabahayan. –FRJ, GMA Integrated News
