QUEZON - Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa gilid ng highway sa Bignay 2, Sariaya, Quezon nitong Linggo ng umaga.
Nakagapos ang mga kamay ng biktima na hinihinalang "salvage" victim.
Wala pang pagkakakilanlan ang bangkay.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Quezon Police at Philippine National Police-Scene of the Crime Operation (PNP-SOCO).
Inaalam na ng mga pulis kung mayroong CCTV sa lugar na makakatulong sa imbestigasyon. —KG, GMA Integrated News

