Sa kabila ng panganib, isang kabaong na may laman ng yumao ang binuhat at itinawid sa spillway na may malakas na agos ng tubig para maihatid sa huling hantungan sa Laurel, Batangas.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Biyernes, sinabing nanggaling sa ilog ang dumadaloy na tubig.
Mapanonood na buhat-buhat ng ilang kalalakihan ang ataul, habang nakasunod ang mga kaanak ng pumanaw at iba pang nakikiramay.
Ayon sa kanila, ito na ang pinakamalapit na daanan papunta sa sementeryo para sa itinakdang libing.
Nagbantay na sa spillway ang mga Coast Guard dahil peligroso ang pagtawid doon.
Nakabantay na rin sa lugar ang pulisya at mga taga-Bureau of Fire Protection.—Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News
Paghatid sa huling hantungan ng isang yumao, ‘di napigil ng masamang panahon
Hulyo 25, 2025 4:08pm GMT+08:00
