Wasak ang dalawang bahay sa pagdaan ng isang buhawi sa Labangan, Zamboanga del Sur.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa Unang Balita nitong Huwebes, mapanonood sa isang video na natangay ang parte ng bubong ng isa sa mga bahay.

Namataang tumawid pa sa kabilang kalsada ang buhawi bago ito tuluyang nawala.


Walang napaulat na nasaktan.

Sinabi ng uploader na dumaan ang buhawi kasabay ng makulimlim na panahon na tila may paparating na malakas na ulan. —Jamil Santos/ VAL GMA Integrated News