Patay ang isang lalaki na certified public accountant at abogado matapos siyang tambangan ng riding in tandem sa Barangay Bakilid sa Mandaue City, Cebu.
Sa ulat ni Gabriel Bonjoc ng Super Radyo Cebu sa Super Radyo dzBB nitong Huwebes, sinabing nangyari ang krimen sa Sacris Road, kaninang umaga habang papunta sa trabaho ang biktima.
Sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng biktima ang kaniyang sasakyan nang pagbabarilin siya ng mga salarin na nakasakay sa motorsiklo.
Residente umano sa bayan ng Consolacion, at isang BIR examiner.
Isang lalaki na certified public accountant at abogado, patay sa pananambang sa bahagi ng Brgy. Bakilid sa Mandaue City, Cebu. | via Gabriel Bonjoc, Super Radyo Cebu pic.twitter.com/mAmvHi1pC7
— DZBB Super Radyo (@dzbb) December 11, 2025
Sa hiwalay na ulat ng GMA Regional TV, kinondena ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Cebu Chapter) ang pagpatay sa biktima, na kinilalang si Atty. Duke Ramil Perral Lincuna.
“The IBP Cebu Chapter unequivocally condemns this brazen act of violence. This reprehensible act constitutes not merely a crime against the person of Atty. Lincuna but is a direct, grievous assault on the rule of law and the legal profession itself. Such an attack seeks to obstruct the administration of justice and shall not be tolerated,” ayon sa pahayag ng IBP Cebu Chapter. – FRJ GMA Integrated News
