Nahuli-cam sa Tagkawayan, Quezon ang ginawang pananakit ng isang lalaking estudyante sa kaklase niyang babae.
Sa ulat ng GMA News 24 Oras nitong Martes, makikita sa video na magkaharap ang dalawa nang biglang itulak ng lalaki at sapakin ang babae.
Isang gurong lalaki naman ang umawat sa lalaking mag-aaral na nagpupumiglas pa.
Ayon sa pulisya, nag-ugat ang gulo sa paninira umano sa lalaking mag-aaral.
Nangako umano ang pamunuan ng paaralan ng bibigyan ng kaukulang disciplinary action ang lalaking estudyante.
Isasailalim din ang dalawang mag-aaral sa counselling. — FRJ GMA Integrated News
