Timbog ang dalawang wanted sa kasong 26 count ng rape sa isang menor de edad sa Angeles, Pampanga, makaraan ang 16 taon.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Huwebes, sinabi ng pulisya na nakorner ang mga akusado sa pinagtatrabahuhan nilang construction site sa Barangay Cuayan.

Inireklamo sila ng panggagahasa ng kanilang biktima na 17-anyos lang noon.

Naglabas ng warrant of arrest ang Angeles Regional Trial Court noong 2010 na walang inirekomendang piyansa.

Nasa kustodiya na ng Angeles City Police Station 5 ang mga akusado na mahaharap sa 26 counts ng rape.

Tumangging magbigay ng kanilang panig ang mga suspek, ayon sa ulat. – Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News