Nasawi ang isang motorcycle rider matapos siyang magulungan ng isang 10-wheeler truck sa Villanueva, Misamis Oriental.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Huwebes, mapanonood sa dashcam video na pagdidire-diretso ng 10-wheeler hanggang sa masalpok at magulungan nito ang isang motorsiklong nasa outer lane.
Kalaunan, nahulog sa gilid ng kalsada ang truck at tumigil.
Residente sa Jasaan ang motorcycle rider na nasawi, habang nagpapagaling naman ang rider ng 10-wheeler na nagtamo ng mga sugat.
Sinusubukan pang makuhanan ng pahayag ang driver, pati ang mga kaanak ng nasawing rider.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.—Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News
