Nasawi ang isang mag-asawa matapos araruhin ng isang dump truck ang tricycle kung saan sila natutulog sa Barangay Daanlungsod sa Toledo City, Cebu.
Sa ulat ni Norman Mendoza ng Super Radyo Cebu sa Super Radyo dzBB nitong Lunes, sinabing lumabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na may iniwasan umano ng dump truck na isa pang truck kaya inararo nito ang tricycle na kinaroroonan ng mag-asawa.
Nadala pa sa ospital ang mag-asawa pero idinelara silang dead on arrival ng duktor.
Mag-asawa, patay matapos masagasaan ng dump truck sa Brgy. Daanlungsod sa Toledo City, Cebu. | via Norman Mendoza, Super Radyo Cebu pic.twitter.com/ke3xNbXyHu
— DZBB Super Radyo (@dzbb) February 2, 2026
Dinala rin sa osptial ang driver ng truck na patuloy pang nagpapagaling.—FRJ GMA Integrated News

