Kalunos-lunos ang sinapit ng isang rider na padre de pamilya nang masawi siya matapos magulungan ng isang dump truck na nawala sa tamang linya ng kalsada sa Cainta, Rizal. Ang biktima, pauwi na mula sa maghapong pamamasada at bumili rin ng gamot para sa anak na may sakit.

Sa ulat ni EJ Gomez sa GTV News Balitanghali nitong Lunes, sinabing nangyari ang insidente nitong Linggo ng gabi sa Eastbank Road sa Barangay San Andres.

Sa video footage, makikita na lumihis nang linya ang truck at inararo ang dalawang motorsiklo at nabangga rin ang isa pang truck.

Agad na nasawi ang biktima matapos magulungan.

Nasa kustodiya naman ng pulsiya ang driver ng truck na tumangging magsalita sa nangyaring insidente, at sinabing ang abogado na lang nila ang magsasalita.

Mahaharap sa reklamo reckless imprudence resulting to homicide and physical injuries ang naturang driver.—FRJ GMA Integrated News