Dalawa sa tatlong sakay ng isang motorsiklo ang nasawi matapos na masalpok sila ng isang commuter van sa Tayabas, Quezon.

Sa ulat ng GMA News Saksi nitong Lunes, makikitang tumatawid sa intersection ang motorsiklong nang dumating ang humaharurot na commuter van.

Nasalpok nito ang motorsiklo na dahilan para tumilapon ang mga biktima.

Kaagad umanong nasawi ang dalawang sakay ng motorsiklo, habang ginagamot naman sa ospital ang rider na masuwerteng nakaligtas.

Hindi tumigil ang nakadisgrasyang van pero naharang siya kinalaunan ng mga tauhan ng Land Transportation Office.

Mahaharap sa patong-patong na reklamo ang driver ng van.—FRJ GMA Integrated News