Patay ang isang lalaki na dating sangkot sa kasong frustrated murder matapos siyang pagbabarilin sa Zamboanga City. Ang kaniya namang kapatid, sugatan.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing lumabas sa imbestigasyon na malapit noon sa isang tindahan sa Barangay Tumaga ang biktima at kaniyang kapatid nang biglang dumating ang mga nakamotorsiklong salarin at pinaputukan sila.
Kasalukuyang ginagamot sa ospital ang kapatid ng pumanaw na biktima matapos tamaan ng bala sa binti.
Patuloy na hinahanap ang mga tumakas na mga salarin, at inaalam ang motibo sa krimen. – Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News
