Nasawi ang isang driver, at ang kasama niyang pahinante matapos maaksidente sa pababang bahagi ng kalsada ang kanilang truck na may kargang mga baka sa Baguio City.

Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Lunes, sinabilang lumitaw sa imbestigasyon ng mga awtoridad na nawalan ng kontrol ang driver sa minamaneho niyang truck pagdating pagbabang bahagi ng kalsada.

Sumalpok muna ang truck sa isang Multi-Purpose Vehicle o MPV, bago bumangga sa bakod, at saka bumaliktad.

Nakaligtas naman ang isa pa nilang kasamang binatilyo.

Apat naman sa limang baka na karga ng truck ang namatay din.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente, ayon sa ulat. –FRJ GMA Integrated News