Isang Sport Utility Vehicle (SUV) ang bumaligtad at humambalang matapos nitong araruhin ang ilang concrete barrier at utility van sa isang flyover sa Pilar, Bataan.

Sa ilang larawan ng Orion MDRRMO, na iniulat sa Unang Balita nitong Biyernes, makikita ang nakataob na SUV.

Sinabi ng mga rumespondeng awtoridad na wala namang malubhang nasaktan sa insidente.

Naialis na rin sa pagkakahambalang sa kalsada ang bumaligtad na SUV.

Patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa dahilan ng insidente. – Jamil Santos/FRJ GMA News