Nagsimula nang matayo ang ilang sapa dahil sa tumitinding init ng panahon sa Casiguran, Aurora. Ang ilang nagtatanim, nangangamba na lalo pang lumama ang init, ayon sa ilang lokal na opisyal.

Sa ulat ni Jasmin Gabriel Galban sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Lunes, ipinakita ang ilang natutuyo nang sapa, at namamatay na rin ang ilang isda.

Nararamdaman na rin umano ng mga nagtatanim ang epekto ng pagbaba ng antas ng tubig sa ilang lugar.

Nauna nang sinabi ng Municipal Agriculture Office na maaaring umabot sa 30 hektarya ng lupang sakahan ang maapektuhan dahil sa kakulangan ng patubig, lalo na sa mga upland area na umaasa lamang sa ulan.

Wala pang idinedeklarang El Niño, ngunit nararanasan na ang tuyong kondisyon sa maraming bahagi ng bansa. Ayon sa state weather bureau na PAGASA, hindi bababa sa 15 probinsya sa Luzon ang nakararanas ng tagtuyot.

Kabilang dito ang Cagayan at Isabela, na isinailalim na sa state of calamity.

Inilarawan ng PAGASA ang panahon ng matinding panahon ng tagtuyot na nangyayari sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan na mas mababa sa normal na pag-ulan.

Sa gitna ng sitwasyon, nanawagan ang environmental group na Philippine Movement for Climate Justice sa pamahalaan na magdeklara ng national climate emergency dahil sa lumalalang epekto nito.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang Malacañang hinggil sa naturang panawagan.—FRJ GMA News