Nasawi ang isang babaeng limang-taong-gulang matapos siyang mabangga ng isang top-down tricycle sa Barangay Panitian sa Quezon, Palawan.

Sa ulat ni Jhun Bantaculo sa Super Radyo Palawan nitong Miyerkoles, sinabing lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nakatayo sa gilid ng kalsada ang bata nang mabangga siya ng tricycle.

Kaagad na rumesponde ang local disaster responders at dinala sa ospital ang biktima pero binawian din ng buhay dahil sa matinding pinsala na tinamo sa katawan.

Nasa kustodiya ng Quezon Municipal Police Station ang driver ng tricycle at inihahanda ang kasong isasampa laban sa kaniya.—FRJ GMA News