Nasawi ang isang 47-anyos na delivery rider nang saksakin siya ng kaniyang kapatibahay matapos ang kanilang pagtata;p dahil sa sagian ng bisikleta at motorsiklo sa Barangay Cubay sa Iloilo City.
Sa ulat ni Sevein Hope Gegantoca ng Super Radyo Iloilo sa Super Radyo dzBB nitong Miyerkoles, ikinuwento ng pamangkin ng biktima na saksi sa krimen, na dumaan sa eskinita ang suspek na dala ang bisikleta.
Nasagi umano nito ang nakaparadang motorsiklo ng biktima at nalaglag ang top box na pinagmulan ng pagtatalo ng dalawa.
Pero bigla umanong bumunot ng patalim ang suspek at sinaksak sa dibdib ang biktima na dahilan ng pagkamatay nito.
Tumakas ang suspek pero naaresto rin ng mga awtoridad kalaunan, ayon sa ulat. – FRJ GMA News

