Karaniwang mga nagbibinata at nagdadalaga, o nasa adolescence stage ang madalas daw na magkaroon ng taghiyawat. Pero paalala ng isang dermatologist, hinay-hinay lang sa pagtiris at paglalagay ng kung ano-ano sa mukha dahil baka ang dating makinis na mukha, naging uka-uka.

Sa isang episode ng programang "Pinoy MD," ibinahagi ng 17-anyos na si Mira Giray kung papaano bumaba ang kompiyansa niya sa sarili nang mapuno ng taghiyawat ang kaniyang mukha na dati naman daw makinis.

Pag-amin niya, tinitiris niya ang kaniyang taghiyawat at nilalagyan niya ng toothpaste sa pag-aakalang makatutulong ito para mawala ang kaniyang mga taghiyawat.

Pero ayon sa resident dermatologist na si Dra. Jean Marquez, hindi dapat tinitiris ang taghiyawat dahil maaari itong maging dahilan ng impeksyon at mag-iiwan ng peklat sa mukha.

Panoorin ang video at alamin ang mga maaaring gawin para malunasan sa taghiyawat at mga budget home remedy upang matugunan ang problema sa mukha.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News