Sinasabing mahalaga ang kinakain ng buntis dahil may epekto ito sa kalusugan ng baby sa kaniyang sinapupunan. Kaya naman may nagtanong sa programang "Pinoy MD," kung may epekto rin ba sa sanggol ang emosyon o nararamdaman ng kaniyang mommy tulad ng pagiging tensyonado, pagod, galit o sobrang stress? Alamin.

Sa isang episode ng "Pinoy MD," tinalakay nina Connie Sison at resident OB-Gyne Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor,  ang hindi magandang maidudulot ng sobrang stress sa isang buntis dahil nakaaapekto ito sa kaniyang baby.

Maaari din daw na maging dahilan ang stress ng premature labor at premature delivery.

Sinagot din ni Doc Quillamor kung may pag-asa pa bang mabuntis ang mga babae may PCOS o polycystic ovary syndrome. Panoorin ang episode at dagdagan ang kaalaman tungkol sa pangangalaga sa kalusugan:


Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News