Marami ang nakararanas ng pananakit ng mga kasu-kasuhan lalo na sa paggising sa umaga. Aba'y baka gout na iyan at hindi lang simpleng arthritis. Alamin sa programang "Pinoy MD" ang mga sanhi ng gout na tumatama na rin kahit sa mga mas batang edad, at papaano ito maiiwasan. 

Sa isang episode ng "Pinoy MD," tinalakay ang masakit na problema sa kalusugan na gout, na isa umano sa may 100 uri ng arthritis.

Umaatake umano ang gout kapag sobra ang uric acid sa katawan ng tao na karaniwang nararamdaman paggising sa umaga.

Alamin ang mga pagkain na dapat iwasan na mataas sa uric acid, at maging ang mga pagkain na mabuting panlaban sa gout.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News