Usapin tungkol sa buhok, pekas at peklat ang ilan lamang sa mga ipinadalang tanong sa programang "Pinoy MD" na binigyan ng kasagutan ng dermatologist na si Dr. Jean Marquez. Kabilang sa kaniyang ipinaliwanag ay ang kondisyon na "alopecia" na nagiging sanhi ng pagkalagas ng buhok.
Ayon kay Dr. Marquez, may dalawang uri ng alopecia at isa na rito ang "alopecia areata," na lumabas kapag bagsak ang immune system ng tao, o stress out.
Kahit ang mga bata, maaari umanong magkaroon nito kapag may vitamin deficiency o kakulangan sa bitamina.
Maaari umano itong gamutin at kusang bumubuti ang sitwasyon sa buhok kapag maliit lang ang problema.
Subalit ang "genetic alopecia" na namamana o genetic type, mas matagal umano ang gamutan, at maaaring bumalik ang pagkalagas ng buhok.
Sa mga matinding sitwasyon, posibleng kailanganin na umano ang hair transplant.
Panoorin ang iba pang pagtugon ni Dr. Marquez sa iba pang padalang katanungan gaya ng kung may masama bang epekto sa buntis ang gamot sa kulogo, at kung mayroong home remedy para sa pekas:
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
